Magkalayo man tayo
Sa puso't isipa'y
Walang distansyang malayo
Dahil sa bawat skype call
Pakiramdam ko'y magkatabi tayo
Lahat ng lumbay napapawi
Lahat ng luha'y nawawaglit
Pagkat napupuno ng ngiti
Ang pusong nananabik
Ligaya'y siksik liglig
Mamasdan lamang ang imaheng kay ganda
Madinig ang matinis mong halakhak
Parang naipinta ng buong galak
Sa isipang bigkis ng ala-ala
Ang kaligayahang walang pantay
Mahal kong kapatid
Bungisngis mo'y mala-musika
Sa kaibutura'y di mamamaliw
Sa tuwi-tuwina'y hahanapin
Buong pusong kagigiliwan
Malayo man sa isa't isa
Ang bawat ngiting nasilay
Kalakasan ng loob'y bigay
Pinatatamis ang mga sandaling
Tanging hangad'y magkapiling
Mahal na mahal kita
Aming Tisay
Buong buhay'y alay
Sa araw-araw
Ala-ala ko'y ikaw
isinulat ni:
Belle C.A. Hanzberj
12 February 2013
12:13 AM

No comments:
Post a Comment