Tingnan kapaligiran
Samu't sari mamasdan
Di mo alintana
Takbo ng oras'y
Kay paspas sagitsit
Animo'y rumagasang
Beep beep jeepney
Paglingon mo doon
Kay gandang tingalain
Ngunit sa pagharap'y
Bahid ng putik
Kay daming pumaparoon
Kay daming pumaparito
Babatiin ng may ngiti
Pagtalikod'y sakbit patalim
Mga matang bilugan
Manlaki kala mo'y holen
Marmol sa labas
Sa loob'y salaming tapyas
Animo'y kay tamis
Panlabas'y kay kinis
Buklatin'y malabis
Nang bukbukin
Papunta ka pa lamang'y
Pabalik na ako
Sambit ng maestro
Talas ng talino
Mata'y talasan
Tenga'y linisan
Bibig'y hugasan
Kamay' bilisan
Sa mundong mapanlilo
Ang babagal-bagal'y
Sa kawalan ang tungo
Muwang ay imulat
Mundo'y bilog
Umiikot ng umiikot
Ikaw ang may tangan
Buhay sa kinabukasan
written by:
Belle C.A. Hanzberj
09 February 2013
1 AM
09 February 2013
1 AM
No comments:
Post a Comment