Ngayon ay ramdam ko ulit ang sakit
Sakit na nais ko nang sukilin
Sa kaibuturan ay nais manlaban
Subalit ramdam na ang panghihina
Ang sakit nang aking ulo
Doon nagsimula marahil
Pakiramdam ko'y bagsak
Katawan'y nanlulupaypay
Di maramdaman ano nga ba ito?
Nanlalamig, naiinitan
Mga paa't kamay namanhid
Andyan mamaluktot, dumiretso
Di ko na malaman gagawin
Binabalot ng panghihina
Buo kong katauhan
Sa aking rosaryo kumapit
Sa pagsapit ng dilim
Nalampasan ang pagususkang
Mula paggising'y hinalang
Buong aking lakas
Di mawawaan pakiramdam
Sobrang sakit ng likod
Parang kinakayod kalooban
Dibdib'y kaybigat, nasasaktan
Sa aking mga mata'y lantay
Kalungkutan, kahinaan
Mamasdan lamang kapatid ko
Sa kabilang ibayo't nakangiti
Nagpapamalas ng lakas
Sa kalooban kong gustong
Bumitaw at mamahinga
Pilit hinahabol hininga
di ko na alintana, hika o hindi
Sa puso ko'y nananahan lamang
Pag-aalalang abot sa Pinas
Andito man ako sa banyagang lupa
Abot panalangin puso kong dumadatal
Nawa'y haplusin aking katawang lupa
Nang mapagmahal na Kamay ni Hesus
Pagalingin, Pahupain sakit dulot'y luha
Sa kalooban ko'y naghuhumiyaw
Katawa'y pinakatatatagang lubos
Manahan sana kalinga ni Ina
Alumpihit mga luhang nais umalpas
Sa bawat buntong hininga
Hiling ko't dasal ay mapayapang
Pamamaalam sa king mga mahal
Lalo sa aking pinakamamahal na Tisay
Sa huling hagod sa buhay
Mamasdan't madinig lamang
Malungkot mang di na maramdaman
Sa puso ko'y mananahan
Salamat! Salamat! Salamat!
Magkalayo man ngayon
Isang araw'y magkakasama rin
Aking pagkahihintayin muli
isinulat ni:
Belle C.A. Hanzberj
2nd March 2013
12:42AM
No comments:
Post a Comment