Hindi ko inisip ang kahihinatnan
Basta ang alam ko masaya ako
Ang araw ko, ang puso ko
Mas nagkakulay ang buhay ko
Sa inaraw - araw na dumaan
Lang humpay na text dito chat don
At sa bawat minutong lumipas
Tanging ala-ala mo ang nagpapa-ngiti
Nangibabaw ang saya sa pag-aalinlangan
Mas lumutang ang pagmamahal
Naramdaman nang buong puso
Pag -ibig na sabi nga'y wagas
Ilang taon rin ang lumipas
Away bati, on and off
Marami rin pinagsaluhan
Mga pangarap na binuo
Pangarap na hinangad ng aking puso
Na sana'y wag matatapos
Dahil ang magkalayo'y di naisin
Pagkat mundo'y didilim
Ang bawat araw na dumaan
Magdamagang kwentuhan
Lambingan walng kaparis
Sapantaha ko ang sakit
Alam kong darating ang araw na
Marahil ang lahat ay isang panaginip
Maganda sa simula
Masakit at masalimuot sa huli
Yun araw na nagising sa katotohanan
Ang lahat marahil ay katakata
Ang tayo'y di puwede
Isang pangarap na maglalaho
Di na malalaman ang kahihinatnan
Tanging sa puso'y ipipinta na lamang
Pagmamahal na tinuran busilak
Na sa huli'y nalanta't namatay
Dito sa puso ko'y mananahan
Mga ala-ala mong kay hirap alisin
Hindi man tayo sa huli
Mananatiling Tunay na Unang Pag-ibig
Sa kahapon na nagdaan
Sa sakit na naramdaman
Malilimot mo ako batid ko
Subalit ako'y patuloy pa rin
Ang pusong tinuruan mo
Kaylanma'y di magpaparam
Pag-ibig na dalisay
Hanggang sa huling pahina ng buhay
Naghiwalay man ng may luhang
Umagos nang wala antala
Ang lahat ng sa atin'y gunitang
Uukilkil sa pusong umirog
isinulat ni:
Belle C.A. Hanzberj
3 A.M.
11th March 2013
Basta ang alam ko masaya ako
Ang araw ko, ang puso ko
Mas nagkakulay ang buhay ko
Sa inaraw - araw na dumaan
Lang humpay na text dito chat don
At sa bawat minutong lumipas
Tanging ala-ala mo ang nagpapa-ngiti
Nangibabaw ang saya sa pag-aalinlangan
Mas lumutang ang pagmamahal
Naramdaman nang buong puso
Pag -ibig na sabi nga'y wagas
Ilang taon rin ang lumipas
Away bati, on and off
Marami rin pinagsaluhan
Mga pangarap na binuo
Pangarap na hinangad ng aking puso
Na sana'y wag matatapos
Dahil ang magkalayo'y di naisin
Pagkat mundo'y didilim
Ang bawat araw na dumaan
Magdamagang kwentuhan
Lambingan walng kaparis
Sapantaha ko ang sakit
Alam kong darating ang araw na
Marahil ang lahat ay isang panaginip
Maganda sa simula
Masakit at masalimuot sa huli
Yun araw na nagising sa katotohanan
Ang lahat marahil ay katakata
Ang tayo'y di puwede
Isang pangarap na maglalaho
Di na malalaman ang kahihinatnan
Tanging sa puso'y ipipinta na lamang
Pagmamahal na tinuran busilak
Na sa huli'y nalanta't namatay
Dito sa puso ko'y mananahan
Mga ala-ala mong kay hirap alisin
Hindi man tayo sa huli
Mananatiling Tunay na Unang Pag-ibig
Sa kahapon na nagdaan
Sa sakit na naramdaman
Malilimot mo ako batid ko
Subalit ako'y patuloy pa rin
Ang pusong tinuruan mo
Kaylanma'y di magpaparam
Pag-ibig na dalisay
Hanggang sa huling pahina ng buhay
Naghiwalay man ng may luhang
Umagos nang wala antala
Ang lahat ng sa atin'y gunitang
Uukilkil sa pusong umirog
isinulat ni:
Belle C.A. Hanzberj
3 A.M.
11th March 2013
No comments:
Post a Comment